DEPED ILOCOS, PUSPUSAN ANG PAGHAHANDA SA PALARONG PAMBANSA

Puspusan na ang isinasagawang paghahanda ng Department of Education o DepEd para sa mga National School Events na ihohost nito — kabilang na ang prestihiyosong Palarong Pambansa na gaganapin sa probinsya ng Ilocos Norte na nakatakdang isagawa sa mula Mayo 24 hanggang Hunyo 2.
Libo-libong student-athletes mula sa 17 rehiyon sa bansa ang inaasahang dadalo sa taunang palaro kaya’t naiplano na rin ang mga billeting schools o tutuluyan ng mga ito.
Tiwala naman si Assistant Regional Director Rhoda Razon ng DepEd Ilocos, na magiging matagumpay ang mga kaganapan sa tulong ng mga mga opisyal at stakeholder.
Dagdag pa niya, magandang pagkakataon ito upang ipakita ang likas na talento, kagandahang-loob, at pati na rin ang turismo sa Ilocos Region.
Samantala, nakipag-ugnayan na rin ang kagawaran sa hanay ng Office of the Civil Defense para sa seguridad gayundin sa emergency response kung kakailanganin.
Samantala, sa rehiyon din isasagawa ang National Schools Press Conference at National Festival of Talents na gaganapin naman sa Ilocos Sur. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments