Monday, February 9, 2026

DepEd, ilulunsad ngayong araw ang ‘drop box’ enrollment system

Ipapatupad ng Department of Education (DepEd) simula ngayong araw ang ‘drop box’ enrollment system.

Ayon sa DepEd, ang drop box o kiosks ay matatagpuan sa mga barangay hall o mga eskwelahan.

Magsisilbi ang mga ito na pick-up at drop-off ng Learner Enrollment Survey Form (LESF).

Ang drop box system ay para sa mga walang access sa remote o online enrollment para sa nalalapit na school year na 2020-2021.

Facebook Comments