
Hiniling ni Senator Sherwin Gatchalian sa Department of Education (DepEd) na makipag-ugnayan sa mga Local Government Units (LGUs) para sa agarang pagsasaayos ng mga silid-aralan na sinira ng bagyong Opong.
Bagamat minor repairs ay mahalagang maiprayoridad ang pagkukumpuni sa 891 mula sa 1,370 na mga apektadong classrooms.
Sinabi ni Gatchalian, bilang paghahanda sa mga darating na mga kalamidad gaya ng mga bagyo ay kailangang matibay ang kanilang itatayong mga classrooms.
Babala ng senador na kung hindi disaster resilient ang mga classrooms na itatayo ay tiyak na lalaki ang problema sa kakulangan ng mga silid-aralan.
Iginiit ng mambabatas na kailangang masiguro na matibay at matatag ang mga itatayong classrooms para sa mga mag-aaral.
Facebook Comments









