Iniimbestigahan na ng Department of Education (DepEd) ang umano’y pagbebenta ng mga laptop na inisyu ng ahensya sa isang surplus shop sa Mandaue City, Cebu.
Ayon kay DepEd Spokesperson Atty. Michael Poa, kailangan managot ang mga sangkot kapag napatunayang totoo ang nasabing bentahan ng laptop ng kagawaran.
Dagdag pa ni Poa, tinitignan pa nila kung ang mga imbentaryo ay mayroong kulang.
Matatandaang, isiniwalat ng Commission on Audit (COA) ang ₱2.4 billion na overpriced laptop na binili ng DepEd sa pamamagitan ng Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM).
Inilabas din ng COA ang kanilang significant audit findings, kung saan lumalabas na higit sa 100% ang itinaas sa presyo ng per unit ng biniling laptop para sa mga public school teachers.
Sa 58,500 per unit price ng laptop ng DepEd lumalabas na nasa ₱22,000 hanggang ₱25,000 lang ang presyo ng kada unit ng entry level na laptop.