You're viewing an older RMN Networks article from our archives.

DepEd, inirekomenda ang modified school calendar

Inirekomenda ng Department of Education (DepEd) ang modified school calendar para sa mga lugar na apektado ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal.

Sa inilabas na schedule ng DepEd, sakaling manumbalik na ang klase sa lahat ng paaralan sa Batangas sa darating na February 3, 2020 – magsisimula ang make-up classes sa unang buwan ng Pebrero at magtatapos ito sa buwan ng Abril.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones – kinakailangan ng Sabado at Linggo ang pasok ng mga estudyante para mapunan ang mga araw na nasuspinde.

Iginiit ng kalihim na para rin ito sa kapakanan ng mga mag-aaral kaya hinihingi nila ang pang-unawa ng lahat lalo na ng mga magulang.

Facebook Comments