Inihayag ng pamunuan ng Department of Education (DepEd) na inobliga pa rin nila ang teachers at estudyante na magsuot ng face masks sa loob ng silid-aralan.
Sabi ni DepEd Spokesperson Michael Poa, ang naturang direktiba ay kasunod ng kautusan ni Presidente Ferdinand Marcos Jr., alinsunod sa inilabas na Executive Order No. 3 na pinapayagan ang hindi pagsusuot ng face masks open area.
Binigyang diin ni Poa na ang pagsusuot ng face masks ay required bilang bahagi ng pagtalima sa health protocols dahil ang classes ay isinasagawa sa loob ng classrooms na sarado.
Paliwanag ni Poa na ang pagsusuot ng face masks ay mandatory pa rin dahil ang mga estudyante ay madalas na iginugugol ang kanilang oras sa loob ng classrooms at ang education department ay parating kinokonsulta ang Department of Health (DOH) para matiyak ang kaligtasan at kalusugan ng mga estudyante at teachers.
Maglalabas umano sila ng mga panuntunan matapos nilang makonsulta ang DOH at iba pang mga education stakeholders.
Una nang inihayag ng DepEd na inaantay nila ang direktiba mula sa Malacañang kung ang mga estudyante at teachers ay maaari na bang magsuot ng face masks habang nasa loob ng paaralan.