DepEd, ipinaliwanag ang kahagalahan ng mga local government units para mapunan ang pagkukulang sa bawat paaralan

Muling iginiit ni Education Secretary Leonor Briones na malaki ang magiging papel ng mga Local Government Units o LGU’s para matugunan ang kakulangan ng mga classroom o pasilidad sa paaralan.

 

Bukod kasi sa mga private Stakeholders at non-government organization, malaking tulong daw ang Special Education Fund o S-E-F na nakukuha ng mga LGU’s sa pagkolekta ng real property tax.

 

Ayon kay Briones, limang porsyento mula sa real property tax na nakokolekta ng mga LGU’s ay dapat na napupunta sa sektor ng edukasyon pero nakadepende daw ito sa kita ng bawat siyudad.


 

Sinabi pa ng kalihim na ang ibang syudad tulad ng makati, pasig, at taguig ay ginagamit daw ang S-E-F bilang tulong sa kakulangan ng gamit ng mga estudyante.

 

Sa huli, palalakasin daw ng DepEd ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalan para na din sa kapakanan ng mga guro at estudyante na nakatira o parte din ng kanilang lungsod.

Facebook Comments