DepEd, ipinaubaya ang pagdesisyon sa mga Division at school head kaugnay sa school quarantine sa LGU

Nagbaba ng isang kautusan ang Department of Education o DepEd na ipinuubaya sa mga Division Superintendent at sa mga school head ang pagdesisyon kung maaari bang gamitin ng Local Govement Units (LGU) ang isang paaralan  na sakop nito bilang Coronavirus Disease 2019 o covid-19 quarantine facility.

Ayon kay Deped Undersecretary Alain Pascua, ang memurandom 2020-004 ng  DepEd, ay nagbibigay kapangyarihan na magpasya sa mga request ng LGU kaugnay sa pag gamit ng mga school building bilang quarantine area para sa mga Persons Under Monitoring o PUM at Persons Under Investigation o PUI

Subalit anya, kailangan mag sumite ng proposal ang LGU sa DepEd Division sa gagawing school quarantine building.


Dapat anya ito ay alinsunod sa mga panuntunan na ipatutupad ng DepEd na batay naman sa panuntunan ng Department of Health o DOH.

Habang ang mga guro at non-teaching worker ng DepEd na nais tumulong, bilang manggagawa sa mga gagawing school quarantine, dapat ay kusang loob o bulonyaryo itong magsabi.

Tiyakin lang anya na ang LGU ang mamamahala nito at panatilihing consistent ang alternative work-from-home at skeletal work force arrangements na aprobado ng Malakanyang.

Facebook Comments