DepED Isabela, Kinondena ang isyu ng isang Guro na nagviral sa Social Media

*Cauayan City, Isabela*- Kinondena ng Department of Education-Isabela ang nangyaring pagsasahimpapawid sa isyu na kinakarap ng guro sa kalakhang maynila matapos umani ng samu’t saring komento mula sa mga netizen sa isang TV Show program ng kilalang TV Personality.

Sa naging panayam ng 98.5 iFM kay Atty. Henedino Eduarte, Legal Officer ng DepED Isabela, hinikayat nito ang publiko na mangyaring magsampa ng reklamo laban sa isang guro sa mismong tanggapan ng DepED at hindi idaan sa kahit anong tanggapan upang higit na mabigyan ng tulong at agad na maimbestigahan.

Dagdag pa nito na nakapaloob ang ilang pribadong hakbangin para sa proteksyon ng mga guro sa Magna Carta for Teachers.


Samantala, nagpaalala din ito sa mahigpit na pagpapatupad ng DepED sa ‘No Collection Policy’ sa mga mag aaral.

Pabor naman ang legal team ng DepED Isabela sa pagbibigay ng impormasyon sa ilang Karapatan ng mga magulang para sa kanilang mga anak at maging sa mga guro.

Facebook Comments