Pinangunahan ni OIC Schools Division Superintendent Dr. Madelyn Macalling ang pamamahagi ng 75 laptops sa mga benepisyaryo kasama ang mga opisyal ng SDO Isabela.
Sinabi ni Macalling na ang mga naturang gamit ay ibinigay ng Kagawaran para sa pagtuturo at may magamit ang mga 44 ALS coordinators at 31 na mobile teachers.
Ipinaliwanag din nito na ang pagbibigay ng mga laptop ay isang tugon ng Departamento para sa mga nangangailangan ng mga ALS instructor na nagtuturo sa mga kanayunan at malalayong lugar sa Isabela para maabot ang mga out of school youth (OSY) ngayong pandemya.
Ito ay sa tulong na rin ng Bayanihan to Recover as One Act (Bayanihan II).
Umaasa naman ang nasabing opisyal na sa pamamagitan ng naturang tulong mula sa DepEd ay maihahatid ng maayos ang magandang kalidad ng edukasyon sa mga ALS students.