Ipinahayag ni Undersecreatry Annalyn Sevilla na isusulong ng Department of Education (DepEd) ang mga dagdag na benepisyo para sa mga guro.
Kamakailan lamang, isinulong din ang proposal na “special hardship” at “teaching overload” allowances.
Sa isang statement Oktubre 2018, ang honorarium para sa mga guro na humahawak ng ‘multigrade’ na mga klase, gumagamit ng ‘mobile teaching functions’ at overload allowance bilang kabayaran sa mga guro na nagtuturo higit sa anim na oras.
Dinagdag din ni Sevilla na ang ahensya ay nagsulong din ng proposal para sa fund na taun-taong medical examination ng mga guro na kilaunan ay naging kanilang benepisyo.
“If you think over 900,000 teachers will have an increase of P10,000, it will cost us P150 billion on top of the more than P500-billion budget… Let us ask our citizens, are you ready to pay P150 billion more?” pahayag ni Education Secretary Briones.
Irerekomenda rin ng Kagawaran ang sistema ng promosyon base sa merit o performance na hindi sila mananatili sa kanilang level noong nagumpisa sila hanggang sa retirement.