Itinanggi ng Department of Education (DepEd) na may nagaganap na malawakang dropout sa mga mag-aaral sa gitna ng nagpapatuloy na blended learning bilang pag-iingat sa COVID-19.
Ayon kay Education Sec. Leonor Briones, nitong nakalipas na linggo pa nila hinahanap at wala naman silang natatanggap na ulat hinggil dito mula sa kanilang mga Regional Offices.
Paliwanag pa ng kalihim, sadyang mababa talaga ang bilang ng mga pumapasok sa blended learning lalo kung galing ang mga ito sa mahabang bakasyon.
Pero hindi aniya siya naniniwala na may kaugnayan ito sa blended learning program ng DepEd, dahil pinaluwagan pa nila ang pagpapasa ng mga requirements dahil nagkakaroon ng feedback ang mga magulang at mag-aaral hinggil dito.
Facebook Comments