DepEd, itinangging hindi handa ang Pilipinas para sa blended learning

Kinontra ng Department of Education (DepEd) ang mga pahayag na hindi pa handa ang Pilipinas sa pagsasagawa ng alternatibong paraan ng pagtuturo sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Nabatid na inihayag ni Vice President Leni Robredo na duda siya sa kahandaan ng DepEd sa pagapapatupad ng online learning lalo na at may mga isyu pa rin sa internet access.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, ilang dekada nang inaalok sa ilang eskwelahan ang blended learning.


Sinabi rin ni Briones na 87% ng mga guro ay mayroong laptop o desktop computers.

Hindi rin aniya sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi pa handa ang ahensya sa online learning.

Bukod sa online, gagamit din ng radyo at telebisyon ang DepEd para turuan ang mga estudyante ng lesson.

Nanindigan din ang DepEd na walang isasagawang face-to-face classes hangga’t walang bakuna para sa COVID-19.

Ang pagbubukas ng klase ay itinakda sa August 24.

Facebook Comments