DepEd, itinangging may ilang DepEd TV workers ang hindi nakatatanggap ng sahod

Mariing pinabulaanan ng Department of Education (DepEd) ang mga alegasyong may ilang manggagawa sa “DepEd TV” ang walang natatanggap na sahod.

Ayon kay Education Undersecretary for Administration Alain Del Pascua, ang Ei2Tech (kumpanya ni Paolo Bediones), ilang media practitioners at indibidwal sa pribadong sektor ay nag-alok ng ‘proof-of-concept’ na walang bayad para sa training ng DepEd Teachers at Personnel sa production ng Curriculum-based TV lessons.

Para tulungan ang mga miyembro ng TV industry, sinabi ni Pascua na kinontrata ng Ei2Tech ang higit 400 professional at suppliers mula sa iba’t ibang networks na apektado ng pandemya para gumawa ng episodes para maipakita ang proof of concept na maaari nang makita sa telebisyon.


Aniya walang basehan ang alegasyon ng mga manggagawa na hindi sila nakakatanggap ng sahod dahil walang employer-employee relationship.

Ang quality at quantity ng TV episodes na ginagawa ay i-e-evaluate para timbangin kung epektibo ang proof of concept.

Facebook Comments