DepEd, itinangging mayroong partnership sa OVP sa pagsasagawa ng face-to-face sessions

Mariing itinanggi ng Department of Education (DepEd) na mayroon silang pormal na partnership sa Office of the Vice President (OVP) lalo na sa Community Learning Hubs.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, nananatili ang polisiya ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang face-to-face sessions para sa mga bata lalo na at wala pa ring bakuna laban sa COVID-19.

Iginiit ng kalihim na hiniling lamang ng OVP na aprubahan ang proyekto pero hindi ito inaksyunan ng kagawaran dahil hindi sila ang mag-aapruba ng face-to-face classes kundi ang Pangulo mismo.


Ang OVP ay direktang nakipag-coordinate sa mga Local Government Units (LGUs) para sa pagtatatag ng community learning hubs habang hindi ito inaprubahan ng DepEd Schools Division Superintendent.

Noong August 10, nakatanggap ang DepEd ng sulat mula sa OVP na humihingi ng feedback at suggestions sa iba’t ibang issues at tumugon ang ahensya noong August 23.

Facebook Comments