DepEd, itutuloy ang Senior High School Voucher Program sa susunod na pasukan

Tiniyak ng Department of Education (DepEd) na magpapatuloy sa darating na school year 2021-2022 ang kanilang Senior High School Voucher Program (SHS VP).

Ayon sa DepEd, patuloy ang implementasyon ng SHS VP gayundin ang mga ibang programa ng Government Assistance and Subsidies.

Ang SHS VP ay programa ng ahensya na nagbibigay ng tulong pinansyal sa mga nagtapos ng Grade 10 na makapasok sa mga pribadong paaralan, state university at college at iba pang pamantasan para mag-senior high school.


Maliban dito, naghahanda na rin ang kagawaran sa pagbukas ng aplikasyon sa online voucher para sa darating na mga mag-aaral ng Grade 11 na nakapasa sa Alternative Learning System (ALS) Accreditation and Equivalency (A&E) Test for Junior High School level na hindi mas maaga sa 2016, mga ALS learner na nakapasa sa Portfolio Assessment, at mga mag-aaral na nakapasa sa Philippine Educational Placement Test (PEPT) para sa Grade 10, sa kondisyon na ang mga mag-aaral na ito ay hindi pa dati nakapag-enrol sa Grade 11.

Facebook Comments