Pinahayag ni Department of Education Secretary Leonor Magtolis-Briones na kailangan nila ng 10,000 na bagong public school teachers sa darating na school year 2019-2020.
Pinaliwanag ni Briones na kailangan bawasan ang dami ng estudyante sa isang klase at hindi dahil sa teacher shortage.
Ayon kay Briones, dapat ay 25 lamang ang bilang ng estudyante sa isang klase at hindi 45.
Sinabi ring kailangan siguraduhin na match ang expertise ng guro sa subject o asignatura na ituturo.
Dagdag pa ni Briones, ang entry-level salary ng isang guro ay 20,000.
Sinabi rin ni Undersecretary Anne Sevilla na mayroong 23,000 na bakanteng posisyon para sa mga guro. Mayroong sumatutal na 33,000 na bakanteng posisyon ngayong taon.
Facebook Comments