DepEd, kinokondena ang malaswang salita sa module na ginamit sa Region 3

Mariing kinokondena ng Department of Education (DepEd) ang lumabas na learning module na ginagamit sa mga public school sa Region 3 na naglalaman ng mga malalaswang salita.

Sa pagdinig ng House Committee on Public Accounts, iprinisenta ng isang guro na si Antonio Go ang naturang module kung saan ang naturang malaswang salita ay ginamit para maisalawaran ang “aswang.”

Kinumpirma na sa Grade 10 students ginamit ang module noong ikalawang quarter at ito ay mula sa module ng Mabalacat DepEd Division.


Giit ng guro, ni hindi niya pa nakita ang naturang mga malalaswang salita sa isang libro o kahit sa isang pahayagan na kaniyang binanggit.

Aminado naman si Education Undersecretary Tonisito Umali na hindi katanggap-taggap at walang “excuse” para pangatwiranan ang nasabing module.

Nang kanilang malaman ito ay agad ding ni-recall noong Pebredo ang naturang module ng isang Deped School Division sa Central Luzon.

Agad na ring kumilos ang DepEd upang mapanagot at matukoy ang mga gumawa ng pagkakamali sa paggamit ng mga malaswang salita.

Facebook Comments