DepEd, kukuha ng halos 10,000 karagdagang guro

Nangangailangan ang Department of Education (DepEd) ng 9,650 karagdagang mga guro para sa taong ito.

Ayon kay Education Spokesman Atty. Michael Poa, ongoing ang pagkuha nila ngayon ng mga guro.

Nag-uusap na rin ang DepEd at ang Budget Department hinggil sa pag-improve ng positions para sa guidance counselors.


Kinumpirma rin ni Poa na may bakante silang plantilla positions para sa guidance counselors

Tiniyak din ng Education Department na aayusin ang career progression ng guidance counselors, kabilang na ang qualifications at sahod.

Facebook Comments