Tuesday, February 17, 2026

DepEd, kumambyo sa planong pagpapatupad ng Trimester System

Kumambyo ang Department of Education (DepEd) sa planong pagpapatupad ng Trimester System.

Sa harap ito ng pagkontra ng ilang mambabatas, mga guro at ng stakeholders.

Kaugnay nito, nilinaw ng DepEd na ang pagpapatupad ng trimester system ay nananatiling panukala at wala pang pinal na desisyon dito.

Ito ay lalo na’t patuloy anila ang konsultasyon ng DepEd at kanila pang kakausapin ang education officials at stakeholders.

Iginiit din ng Education Department na layon ng panukala na ma-improve ang paggamit ng academic time, at mabawasan ang workload pressures sa mga guro.

Facebook Comments