DEPED | Magarbong Christmas party sa mga pampublikong paaralan, ipinagbabawal

Manila, Philippines – Muling nagpaalala ang Department of Education (DepEd) sa mga pampublikong paaralan na bawal ang pagdaraos ng magarbong Christmas party at ang paniningil ng kontribusyon para dito.

Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones, maaari lamang ang boluntaryong kontribusyon para magdaos ng party at dapat na mayroong basbas o kaya ay pinagkasunduan ng Parents-Teachers Association (PTA).

Kasabay nito, nanawagan din ang kalihim sa PTA na huwag masyadong malaki ang hinging kontribusyon para hindi mahirapan ang mga magulang.


Paalala rin ni Civil Service Commission Public Assistance and Information Office Dir. Ma. Lourdes Salonga Agamata, na mahigpit na ipinagbabawal ang pagso-solicit ng mga government employee.

Dagdag ni Agamata, pwedeng mag-party basta at hindi maaapektuhan ang pagbibigay nila ng serbisyo.

Facebook Comments