Naniniwala ang Department of Education (DepEd) na para mapalakas ang tungkulin ng mga magulang at guro bilang education frontline sa gitna na rin ng COVID-19 pandemic, magsasagawa na ang Kagawaran ng sunud-sunod na Psychosocial Support and Training para sa mga parents, teachers, school heads at mga kilalang DepEd Region and Division Non-Teaching personnel sa pagbubukas ng School Year 2020-2021.
Ayon sa DepEd, para sa mga magulang, maglulunsad ang kagawaran ng ‘Gabay Bahay: isang online parenting series’ kung saan lingguhang online learning activity na layuning maturuan ang mga magulang na maprotektahan ang kalusugan at kaligtasan ng kanilang mga anak.
Ang naturang hakbang ng DepEd ay para mabigyan ng karapatan ang mga mag-aaral lalung-lalo na sa panahon ng community quarantine na ipinatutupad sa bansa.
Paliwanag ng DepEd, malaki ang ginagampanang papel ng mga magulang upang maipagpatuloy ang pag-aaral ng kanilang mga anak.
Ayon kay Director Ronilda Co ng DepEd-Disaster Risk Reduction and Management Services, ang mga mag-aaral sa secondary level ay malaking hamon sa kanila ang online learning at nagiging stressful para sa kanila ang panibagong sunud-sunod na adjustment ang nararanasang COVID-19.
Dagdag pa ni Co, na ginagawa ang sessions sa pamamagitan ng online streaming kung saan ang mga participants ay ika-clustered ng Regional groups, Cluster 1, kabilang ang school heads ng secondary schools at kilalang DepEd Region and Division Non-Teaching personnel mula sa lahat ng regions at ang natitirang 5 Clusters kabilang ang secondary school teachers sa lahat ng regions.