Target ng Department of Education (DepEd) na dagdagan pa ang non-teaching personnel na siyang tututok sa mga administrative task na ginagawa ng guro.
Ayon kay DepEd Spokesperson Atty. Michael Poa, ito ay upang matutukan ng mga guro ang pagtuturo at mapataas ang kanilang teaching standards.
Napansin kasi ng DepEd na bukod sa pagtuturo, ay napakarami pang ibang gawain ng mga guro.
Samantala, inihayag din ni Poa na ikinokonsidera rin ng kagawaran non-basic wage benefits o dagdag-sahod para sa mga guro for teachers.
Facebook Comments