DepEd, magha-hire ng mga para-teachers at volunteer educators para sa blended learning

Naghahanap ang Department of Education (DepEd) ng para-teachers at volunteer teachers para turuan ang mga mag-aaral bilang bahagi ng blended learning approach.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, layunin nitong matulungan ang mga magulang sa pagtuturo ng kanilang mga anak sa gitna ng COVID-19 crisis.

Para sa sahod ng mga para-teachers, maaaring gamitin ang Special Education Fund (SEF) mula sa Local Government Units (LGUs).


Ang hiring ng para-teachers at volunteer teachers ay nakadepende sa pangangailangan.

Samantala, magsasagawa ang DepEd ng upskilling programs para sa mga magulang sa regional at schools divisions para bigyan sila ng kaalaman hinggil sa bagong learning modalities.

Facebook Comments