Inihayag ni Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte-Carpio na malapit na ilabas ng ahensya ang guidelines sa mga aktibidad na pinapayagan sa mga paaralan ngayong school year (SY) 2022-2023.
Ayon kay VP Duterte, maglalabas ang DepEd ng Department Order (DO) na nakasaad ang mga dapat na co-curricular at academic activities na dapat lang isagawa ngayong school year.
Ibig-sabihin din aniya na mahigpit na ipagbabawal ang mga extra-curricular activities.
Paliwanag kasi ni Duterte, uunahin muna nila ang academic development ng mga mag-aaral.
Kasunod nito, kinumpirma rin ni Duterte na ngayong taon ay walang Palarong Pambansa, pero gumagawa na sila ng draft proposal nito para sa susunod na taon.
Facebook Comments