Magpapatupad ang Department of Education (DepEd) ng ilang measures para matugunan ang ilang concern ng mga guro at estudyanteng na-o-overwhelm sa ilalim ng distance learning set-up.
Ayon kay Education Undersecretary for Curriculum and Instruction Diosdado San Anonio, ang “academic ease” measures ay inilatag para matulungan ang mga estudyante na makapag-adjust sa bagong paraan ng pag-aaral.
Sinabi rin ni San Antonio, palalawigin ang first quarter para lalo na at nagsisilbi itong adjustment period sa karamihan sa mga estudyante matapos ang ilang buwang suspensyon ng klase.
Pinapayagan din aniya na bawasan ang mga aktibidad sa self-learning modules at nakatuon lamang sa mga mahahalagang nilalaman nito.
Umaasa si San Antonio na susuportahan ng mga paaralan ang mga guro para na rin sa kanilang menthal health at socio-emotional.
Ang mga guro at learning support aides ay magbibigay ng suporta sa mga pamilyang nahihirapan sa pagsagot ng learning activity sheets (LAS).
Pinayuhan din ng DepEd ang mga paaralan na maglatag ng premium sa instructional management tasks para sa mga guro para hindi nila pinapasan ang gasto sa pag-iimprenta at pamamahagi ng modules.