Maglalabas ng polisiya ang Department of Education (DepEd) para taasan ang mga benepisyo at sahod ng mga pampublikong guro sa bansa.
Ayon kay Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte, isasama nila sa hihinging budget sa susunod na taon ang overtime pay para sa mga guro.
Nakikipag-ugnayan na rin aniya ang DepEd sa World Bank para gumawa ng pag-aaral patungkol sa sahod ng mga guro.
Bukod dito, maglalabas din ng polisiya ang DepEd hinggil sa “teaching overload pay” para sa sobrang oras sa pagtuturo na nakapaloob sa Magna Carta for teachers, at at calamity fund para sa mga guro.
Samantala, sinabi naman ni DepEd Undersecretary Michael Poa na pinag-aaralan pa ang posibilidad para sa salary increase ng mga guro.
Hindi aniya basta magawang makapagtaas ng sahod dahil kailangan ang lehislasyon para sa salary standardization, kung kaya’t patuloy na gagawa ng paraan hakbang ang DepEd upang tugunan ang usapin sa take home pay ng mga guro.