Tutulong ang Department of Education (DepEd) sa pagsasagawa ng enrollment ng ‘out-of-school’ youth sa Alternative Learning System (ALS).
Ayon kay Education Undersecretary Revsee Escobedo, tutukuyin nila ang mga indibidwal na nais ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral sa kabila ng kanilang limitasyon.
Mula nitong July 16, ang kabuuang enrollees sa buong bansa ay nasa 20,744,595 na may higit 19.9 million na estudyanteng naka-enroll sa pampublikong paaralan habang nasa 1.09 million ang nakarehistro sa pribadong eskwelahan.
Ang CALABARZON ang may pinakamaraming bilang ng enrollees kasunod ang Central Luzon at National Capital Region (NCR).
Facebook Comments