DepEd, magsasagawa ng assessment sa pagtatapos ng unang quarter ng school year

Magsasagawa ng assessment ang Department of Education (DepEd) sa pagtatapos ng unang quarter ng school year sa harap ng pagpapatupad ng blended learning dahil sa COVID-19.

Ayon kay Education Undersecretary Diosdado San Antonio, linggo-linggo ang ginagawang pagpupulong ng Regional Directors ng DepEd para tugunan ang anumang problema.

Nabatid na ilan sa mga hamong kinaharap ng ahensiya ay ang mga nagdaang kalamidad tulad ng bagyo na nagresulta ng pagkasira ilang mga pasilidad at ilang mga gamit sa paaralan.


Bukod sa mga bagyo, sinabi rin ni San Antonio na naging hamon din ang internet connection para sa mga eskwelahan at mga estudyanteng nakadepende sa online learning.

Facebook Comments