DepEd, magsasagawa ng brigada eskwela sa lahat ng mapapakinabangan pang paaralan sa Marawi

Marawi City – Magsasagawa ng brigada eskwela ang Department of Education (DepEd) sa lahat ng mapapakinabangan at magagamit pang paaralan sa Marawi City.

Ayon kay DepEd Sec. Leonor Briones, magsagawa sila ngayong araw ng pagkukumpuni, paglilinis at pagsasaayos sa mga paaralang hindi nawasak ng digmaan.

Aniya, inabisuhan na sila ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na ligtas ng magtungo sa mga paaralan matapos ma-clear sa mga bomba ng mga terorista.


Sa datos ng DepEd, 22 paaralan ang totally damage at hindi na muling magagamit dahil sinunog at ginawang kuta ng Maute-Isis.

Habang ang ibang paaralan naman ay tinamaan ng bomba.

Sa pagtaya ng kalihim, aabot sa P2-bilyon ang magagamit sa muling pagpapatayo ng mga nawasak na pasilidad ng kagawaran.

Facebook Comments