Inihayag ng Department of Education (DepEd) na magsasagawa ito ng dry-run ng ‘Distance Learning Classes’ sa mga pampublikong paaralan ng lungsod ng Navotas simula bukas, Agosto 3 hanggang 7, 2020.
Ito ay lalahukan ng Bagumbayan Elementary School, Dagat-Dagatan Elementary School at Navotas National High School.
Kasama rin dito ang Special Education (SPED) at Alternative Learning System (ALS).
Kasabay nito, ipamamahagi rin ang learning pocket na tinawag nilang Navoschool-in-a-box.
Magsisimula ang nasabing dry-run ng alas-8:00 ng umaga hanggang alas-10:00 ng umaga bukas, araw ng Lunes.
Ayon sa pamunuan ng DepEd, gumastos ng 11 milyong piso ang lokal na pamahalaan ng Navotas na pambili ng storage box para sa learning pockets.
Habang 15 milyong piso naman ang inilaan para sa reproduction ng self-learning modules para sa lahat ng learning areas.
Matatandaang isinagawa ang pilot simulation ng makabagong pamamaraan ng patuturo sa mga nasabing paaralan ng naturang lungsod noong June 30 hanggang July 3, 2020.