DepEd, magsasagawa ng pre-opening activities bago ang pagbubukas ng klase sa Agosto

Maglulunsad ang Department of Education (DepEd) ng iba’t ibang informal at pre-opening activites para maabot ang learning objectives sa papalapit na bagong school year.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, matapos ang mga konsultasyon at diskusyon, napagkasunduan na ang pormal na pagbubukas ng klase ay itinakda na sa August 24 at magtatapos ng April 30, 2021.

Bago ang formal school opening, bibigyan na ang mga estudyante ng assignments para pag-aralan ang ilang mahahalagang paksa, magkakaroon din ng orientation sa paggamit ng alternative delivery modalities at learner’s materials, at mental health at psychosocial support activities.


Kaugnay nito, nag-isyu na rin ang DepEd ng School Calendar of Activities para sa School Year 2020-2021.

Facebook Comments