Makatatanggap ang Department of Education (DepEd) ng ₱606.6 billion budget sa ilalim ng panukalang ₱4.506 trillion national budget para sa 2021 na isinumite sa Kongreso.
Sa “Handang Isip, Handa Bukas” virtual press briefing, sinabi ni Education Undersecretary for Finance Annalyn Sevilla, makakukuha ang education sector ng malaking bahagi ng budget na may allocation na nasa ₱754 billion.
Nasa 8.8% na mas mataas kumpara sa budget ngayong taon na nasa ₱693 billion.
Ang ₱606.6 billion budget ay 9.54% na mas mataas kaysa ngayong taon na nasa ₱522.99 billion.
Isa sa mga paglalaanan ng pondo para sa susunod na taon ay 10,000 bagong teaching positions.
Sa ilalim ng voucher program ng DepEd para sa susunod na taon, nasa 1,149,975 slots ang bubuksan para sa Education Contracting Service Program, 1,366,197 slots para sa private Senior High School, 51,416 slots para sa Non-DepEd Public Senior High Schools, at 89,300 slots para sa Joint Delivery Voucher Program para sa SHS Technical Vocational Livelihood Specializations.
Para sa learning tools at equipment sa 2021, magkakaroon ng 215,490 na Technical Vocational and Livelihood equipment, at 7,730,038 Science and Mathematics Equipment.
Target ng DepEd na makapagtayo sa susunod na taon ng 5,174 classrooms, isalilalim sa rehabilitation at repair ang 10,444 school facilities, makapagbigay ng 38,917 furniture sets, mabigyan ng kuryente ang nasa 1,536 sites.
Sa ilalim naman ng Computerization program, nasa 37,221 computer packages ang kanilang ipamamahagi.
Nakatakda ring mag-produce ang DepEd ng 4.39 million textbooks at iba pang instructional materials sa susunod na taon.