Makikipag-ugnayan ang Department of Education (DepEd) sa mga opisyal ng barangay para masigurong masusunod ng mga estudyante ang social distancing sa labas ng classroom para sa mga lugar na pinayagan ang limitadong face-to-face classes.
Ayon kay DepEd Undersecretary Diosdado San Antonio, aminado siyang may mga estudyante ang posibleng hindi agad umuwi ng bahay pagkatapos ng klase at balewalain ang social distancing.
Dahil dito, hihingi sila ng tulong sa barangay officials at sa komunidad.
Ipatutupad ang limited face-to-face classes sa mga lugar na walang kaso ng COVID-19 base na rin sa mungkahi ng mga local government officials at school heads.
Noong Huwebes, sinabi ni DepEd Secretary Leonor Briones na ikinokonsidera na ng ahensya ang pagkakaroon ng limitadong face-to-face classes sa mga lugar na tutukuyin ng Inter-Agency Task Force (IATF) na may “low risk” ng banta ng COVID-19.