Aminado ang pamunuan ng Department of Education (DepEd) na malaki ang kanilang backlog kung saan umaabot sa ₱41 billion ang kakailanganin ng kagawaran upang agad na matugunan ang naturang problema.
Sa isinagawang presscon ng DepEd sinabi ni DepEd Spokesperson Atty. Michael Poa, humirit ng karagdagang pondo ang ahensiya kaya’t umaabot na sa ₱848 billion ang kanilang budget para sa taong 2023 mula sa ₱800 billion.
Paliwanag pa ni Poa, araw-araw umano nadadagdagan ang bilang ng mga naapektuhan na mga paaralan kung saan sa pinaka-latest na ulat ay umaabot na sa 427 na paaralan ang naapektuhan ng lindol.
Sa usapin naman ng vaccination ang DepEd ay hindi pa nagsisimula ng vaccination program sa mga estudyante kung saan ay nakikipag-ugnayan na ang ahensiya sa DOH sa naturang programa.