
Kinumpirma ng Education Department na aabot sa mahigit P78 million ang kakailanganin ng DepEd para sa rehabilitasyon ng mga pinsala sa mga pampublikong paaralan ng bagyong Uwan.
Ayon sa DepEd, ₱20.2 milyon dito ay para sa paglilinis at clearing operations, habang ₱57.9 milyon naman para sa minor repairs.
Tinututukan din ngayon ng DepEd ang implementasyon ng Alternative Delivery Modes (ADMs) sa mga paaralang pansamantalang sarado dahil sa mga nakaraang bagyo at iba pang kalamidad.
Kaugnay nito, naipamahagi na ang pondo sa mga rehiyon para sa paggawa ng learning packets at lesson guides sa ilalim ng Dynamic Learning Program (DLP) at iba pang ADM modalities.
Una nang kinumpirma ng Education Department na hindi bababa sa 312 pampublikong paaralan ang nagkaroon ng pinsala sa imprastruktura dahil sa Super Typhoon Uwan.
Partikular na napuruhan ng bagyo ang Bicol at CALABARZON.









