DepEd, mas pagbubutihin pa ang kalidad ng edukasyon

Tiniyak ng Department of Education (DepEd) na mas pagbubutihin pa nila ang kalidad ng edukasyon sa bansa.

Ito ay matapos lumabas sa 2018 Trends in International Mathematics and Science Study (TIMSS) na kulelat ang mga Pilipinong estudyante mula sa 58 bansa sa fourth grade Math at Science.

Sa statement, sinabi ng DepEd na pinapahalagahan nila ang datos at pag-aaral hinggil sa Math at Science literacy ng mga Pilipinong mag-aaral.


Mas pinalawak pa nito ang pang-unawa ng kagawaran sa home at school environment, education composition at resources, school climate, teacher development, at job satisfaction.

Ang polisiya ng DepEd ay gamitin ang international assessments bilang kongkretong hakbang na may direktang impact sa achievements ng mga mag-aaral at kahusayan ng mga guro.

Kasalukuyang ipinapatupad ang distance learning setup para sa mga mag-aaral at guro bilang pag-iingat sa harap ng pandemya.

Facebook Comments