Monday, March 2, 2026

DepEd, may reintegration program sa Filipino teachers sa Middle East na uuwi ng Pilipinas sa harap ng giyera doon

Tiniyak ng Department of Education (DepEd) na may nakahanda itong reintegration program sa Filipino teachers sa Middle East na maaaring maapektuhan ng giyera sa rehiyon.

Ayon sa DepEd, bukas sila sa mga Pilipinong guro sa Middle East na nagbabalak nang umuwi sa Pilipinas.

Partikular na ipapasok ang Filipino teachers sa mga pampublikong paaralan sa bansa.

Inihayag ng DepEd na ang mga kuwalipikadong aplikante ay maaaring maitalaga bilang Teacher I na may permanenteng posisyon, alinsunod sa umiiral na qualification standards at hiring guidelines.

Maaaring mag-apply ang mga gurong Pilipino na Filipino citizen o may hawak ng Philippine passport, nakapasa sa Licensure Examination for Teachers (LET), at may hindi bababa sa isang taong karanasan sa pagtuturo sa loob ng nakaraang limang taon.

Kailangan din na hindi sila tumira sa Pilipinas nang mahigit sa tatlong magkakasunod na taon.

Facebook Comments