Nagpaalala ang Department of Education (DepEd) na hindi dapat gawing COVID-19 vaccination sites ang mga paaralan kung saan mayroong in-person classes.
Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, layon nito na hindi madagdagan ang panganib ng mga mag-aaral na magkaroon ng virus.
Aniya, makakabuting isang aktibidad na may kaugnayan sa kalusugan lamang ang ginagawa sa mga paaralan at hindi ito dapat ihalo kung saan nagsasagawa ng in-person classes.
Sinabi pa ni Briones na hindi rin nila inirerekomendang gawin ang mga paaralan bilang health center, isolation o evacuation center na delikado sa mga bata.
Facebook Comments