Muling isasagawa ang programang ‘OK sa DepEd’ o Oplan Kalusugan sa Department of Education para matiyak na ang lahat ng bata ay nasa maayos na kalusugan.
Dahil dito, hinihimok ng DepEd ang lahat ng pampublikong paaralan sa elementarya at sekondarya sa mga health activities sa ikakasang “one health week” simula July 22 hanggang 26.
Nakapaloob sa OK sa DepEd ang pagsasagawa ng School-Based Feeding Program, National Drug Education Program, Adolescent Reproductive Health Program, Water and Sanitation, and Hygiene Facilities im Schools Program; Medical, Nursing, and Dental Services; at School Mental Health Program
Inatasan din ni Education Secretary Leonor Briones ang lahat ng regional offices, school division offices maging ang mga guro na isama sa aktibidad ang pagbibigay ng orientation sa mga magulang, komunidad, mga school partners, at mga stakeholders upang mas lalo nilang maunawaan ang nasabing programa.
Matatandaan na taong 2017 na simulan ng DepEd ang naturang school based program at umaasa si briones na mas magiging aktibo ang mga guro sa pagpapalawak nito.