DepEd, muling inirekomenda ang pagsasagawa ng face-to-face classes sa low risk areas

Inirekomendang muli ng Department of Education (DepEd) ang pagsasagawa ng limited o pilot face-to-face classes sa mga lugar na wala na o mababa ang kaso ng COVID-19.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Education Sec. Leonor Briones na si Pangulong Rodrigo Duterte pa rin ang mag-aapruba ng kanilang proposal.

Sa mungkahi ng DepEd, isasagawa ang pilot face-to-face classes sa 100 mga paaralan sa bansa kung saan dapat handa ang school facilities, payag ang Local Government Unit (LGU) at mga magulang at mahigpit na susundin ang health and safety protocols na ilalatag ng Department of Health (DOH).


Samantala, sinabi naman ni Education Usec. Nepomuceno Malaluan na kapag isinagawa na ang pilot face-to-face classes ay magiging kombinasyon ito ng face to face at blended learning.

Layon aniya nitong tugunan ang mga hamon at limitasyon sa pagsasagawa ng purong distance learning.

Makakatulong din aniya ito upang ma-develop ang camaraderie ng mga bata sa kapwa nito estudyante.

Facebook Comments