DepEd, muling ipapatupad ang child protection program para sa maprotektahan ang mga estudyante sa bullying

Naglagay ng child protection committee ang Department Of Education sa bawat pampublikong  paaralan.

 

Layunin nito na maprotektahan ang bawat estudyante sa bullying ng kapwa nila mag-aaral o nang sinuman sa loob ng paaralan habang ang PNP naman na magbantay sa labas.

 

Ayon kay Education Undersecretary Anne Sevilla, nakapaloob din sa child protection program na panagutin ang sinuman gagawa ng online bullying kung saan kasama din dito ang diskriminasyon, pananakit at iba pa na makakasama sa development ng isang estudyante.


 

Dagdag pa ni Sevilla na maaring magkaroon ng criminal liability ang isang estudyante kahit pa nagkaroon ng settlement sa loob ng paaralan kung saan nakadepende na daw ito kung ipupursige ng magulang ang reklamo sa pulisya.

 

Sinabi pa ni Sevilla na karamihan ng mga kaso na kanilang nahawakan hinggil sa bullying noong nakaraang taon ay nangyari sa pribadong eskwelahan.

 

Bunsod nito, tutuyukan ng DepEd ang mga paaralan na mataas ang bilang ng populasyon at mahigpit din nilang bilin na bawal ang pagdadala ng cellphone ng isang estudyante sa oras ng klase.

Facebook Comments