Manila, Philippines – Kasabay ng nararanasang sama ng panahon ngayon bunsod ng Bagyong Salome, muling nagpaalala ang Department of Education (DepEd) na tungkulin ng mga Local Government Unit ang suspensyon ng klase.
Base sa official statement na inilabas ng DepEd, hindi na dapat sakanila iaasa kung magkakansela ng pasok o hindi sa mga panahong malakas ang ulan ngunit walang nakataas na storm signal.
Kailangan anila na magmonitor ang mga LGUs sa mga report na magmumula sa PAGASA, lalo na ang weather bulletin na inilalabas tuwing alas 10 ng gabi, upang bago mag alas 4:30 ng madaling araw ay makapagdeklara na ng suspensyon ng klase sa mga pangumaga at alas 11 naman ng umaga para sa mga estudyante sa panghapon.
Kagnay nito, nananawagan rin ang DepEd, sa mga magulang na pag-aralan ang sitwasyon sa kanilang lugar, at magdesisyon kung ligtas pa bang papasukin ang mga bata.