DepEd, muling nagpaalala sa mga pagkaing hindi pwedeng ibenta sa mga paaralan

Manila, Philippines – Sitsirya, sweetened carbonated drinks at tetra pack juice, ilan lamang ito sa hindi dapat na ibenta sa mga kantin ng paaralan at baunin ng mga mag-aaral.

Ito ang nilinaw ng DepEd kaugnay ng pagbubukas ng klase para sa school year 2017-2018.

Ayon sa DepEd, may guidelines na rin silang ipinalabas noon pang Marso taong kasalukuyan tungkol sa mga pagkain na dapat ipagbili sa kantina ng mga paaralan.


Sa panig naman ng mga magulang na nagpapabaon sa mga anak, kapag nakita nila na may baon ang mga bata na kahalintulad ng nabanggit, kukunin nila ito at kanilang ipatatawag ang mga magulang.

Binigyang diin ng DepEd na ang uri ng pagkaing kinakain ng bata ay malaking factor sa performance ng mga ito sa paaralan.
DZXL558

Facebook Comments