Lumipad pabalik sa bayan ng Bato, lalawigan ng Catanduanes kahapon sina Undersecretary Revsee Escobedo at Undersecretary Alain Del Pascua ng Department of Education (DepEd) upang ihatid ang tulong ng kagawaran para sa mga guro ng pampublikong paaralan na nasalanta ng super Typhoon Rolly.
Ayon kay Del Pascua, dala nila ang mga beddings, learning kits at iba pang donasyon ang grupo.
Binigyan-diin din niya na nagpapatuloy naman ang paghahatid ng psychosocial support para sa mga guro at mag-aaral sa naturang bayan.
Aniya, ang nasabing hakbang ay bahagi ng direktiba ni Education Secretary Leonor Briones na tulungan ang mga komunidad at paaralan na apektado sa pananalasa ni Bagyong Rolly noong nakaraang linggo.
Matatandaang, matapos manalasa si Bagyong Rolly agad na nagtungo ng Catanduanes si Pascua, at ang mga pampublikong paaralan ng bayan ng Bato ng naturang lalawigan ay ilan lang sa mga paaralan na kaniyang binista, kung saan agad nitong ipinag-utos ang pagsasaayos ng mga paraalan sa naturang lugar.