DepEd, muling pinaalalahanan ang lahat ng mga Principal sa mga pampublikong paaralan sa bansa na makibahagi sa gagawing Nationwide Simultaneous Earthquake Drill

Manila, Philippines – Muling pinaalalahanan ng pamunuan ng Department of Education ang lahat ng mga Principal sa mga pampublikong paaralan sa bansa na makibahagi sa gagawing Nationwide Simultaneous Earthquake Drill na gaganapin sa huwebes June 29 ng alas dos ng hapon.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones dapat alam ng bawat mag-aaral ang kanilang gagawin sakaling hindi inaasahan ay magkaroon ng tunay na lindol sa kanilang mga paaralan at huwag kalimutan umano ang mag duck-cover and hold sakaling lumakas ang lindol.

Paliwanag ng kalihim napakahalaga ng Earthquake Drill upang matiyak ang kahandaan ng bawat indibidwal.


Dagdag pa ni Briones dapat maging normal at relax lamang, iwasang magpanic ang mga estudyante at guro sa ganitong pagsasanay upang hindi magkasakitan o ma-stampede ang mga lalahok sa Earthquake Drill.

Facebook Comments