DepEd, naabot ang 90% ng 2019 enrollment

Nakamit ng Department of Education (DepEd) na maabot ang halos 90% ng enrollment noong nakaraang taon sa public at private schools sa buong bansa.

Ito ang naitala sa kagawaran kasabay ng pabubukas ng School Year 2020-2021 nitong October 5.

Batay sa enrollment data ng DepEd nitong Martes, October 13, umabot sa 24,892,492 enrollees sa basic education level.


Katumbas nito ang 89.63% ng total enrollment noong nakaraang taon na nasa 27.7 million.

Kasalukuyang nasa 22,642,639 ang naka-enroll sa pampubikong paaralan habang 2,193,998 enrollees sa private schools.

Sakop din ng national enrollment data ang State Universities and Colleges (SUCs), Local Universities and Colleges (LUCs) at mga mag-aaral mula Kindergarten, Elementary, Junior High School at Senior High School.

Kasama rin ang mga non-graded learners with disabilities at mga nasa ilalim ng Alternative Learning System (ALS).

Ang pinakamaraming bilang ng enrollees ay nasa CALABARZON na nasa 3.4 million kasunod ang Metro Manila na nasa 2.5 million at Central Luzon na nasa 2.5 million.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, maaari pang makapag-enroll ang mga estudyante hanggang sa susunod na buwan.

Ang mga hindi makakapag-enroll ngayong school year ay maaaring matanggap sa ilalim ng ALS program.

Una nang sinabi ng DepEd na matagumpay ang pagbubukas ng klase sa kabila ng mga hamon bunga ng kasalukuyang public health crisis.

Facebook Comments