Nakamit ng Department of Education (DepEd) ang 99% ng enrollment sa public schools dalawang linggo bago ang pormal na pagbubukas ng klase sa October 5, 2020.
Batay sa National Enrollment Data ng DepEd mula nitong September 21, 2020, aabot na sa 22.36 million students ang nag-enroll sa mga pampublikong eskwelahan, 99.06% ng enrollment noong nakaraang taon na nasa 22.5 million.
Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, naging matagumpay sila sa paghihikayat ng enrollees sa public schools.
Nakasaad din sa datos na 1.6 million pupils ang naka-enroll sa Kindergarten, 11.2 million sa Elementary, 6.9 million sa Junior High School, 2.05 million sa Senior High School, 62,804 non-graded learners with disabilities at 384,027 sa Alternative Learning System (ALS) sa ilalim ng public school system.
Samantala, ang enrollment sa private schools ay nasa 2.12 million o 49.32% ng nakaraang taon na nasa 4.3 million.