DepEd, naabot na ang target enrollment rate para sa School Year 2020-2021

Umabot na sa 22.23 milyong estudyante sa bansa ang naka-enroll na para sa pasukan sa Agosto.

Ayon sa Department of Education (DepEd), katumbas ito ng 80% ng mga enrollees noong nakaraang taon.

Ibig sabihin, naabot na nito ang target na enrollment rate para sa School Year (SY) 2020-2021.


Sa naturang bilang, 20.84 milyon o 92.3% ang mga nag-enroll sa public schools habang 1.35 milyong estudyante ang nakapagpatala sa private schools.

Ayon sa DepEd, maganda ang naging turn out ng enrollment na indikasyon na maraming magulang ang pinipili ang pagtataguyod ng edukasyon ng kanilang mga anak.

Tiniyak naman ng kagawaran na tuluy-tuloy silang tatanggap ng late enrollees hanggang Setyembre.

Facebook Comments