DepEd, nabigyan ng mga parangal sa Gawad Siklab 2021

Kinilala ang mga programa, mag aaral, mga guro, at mga manggawa ng Department of Education o DepEd sa katatapos pa lang na Gawad Siklab 2021.

Ginawaran ang DepEd bilang Outstanding program implementer at nakatanggap din 42 parangal ang Ilang Student leaders, Supreme Student and Pupil Government, School Heads, at regional and division youth formation coordinators.

Apat na kategorya ang napanalunan ng Deped tulad ng Students Government Awards on Elementary and High School, National Greening Awards o YES-O and GPP for Elementary and High School, Barkada Kontra Droga High School Level, at Youth Formation Coordinators Award


Ayon kay DepEd Undersecretary Alain Del Pascua na ang Gawad Siklab ay hindi lamang isang parangal.

Kundi aniya ito ay pagbibigay sa mga katangi-tanging proyekto na nagdulot ng positibong pagbabago sa lipunan.

Kinungratulate naman ni DepEd Secretary Leonor Briones ang mga guro, magaaral, at personnel nanalo ngayong taon ng Gawad Siklab.

Facebook Comments